-- Advertisements --

Bumuwelta ang ilang mambabatas kay Dr. Tony Leachon kasunod ng pagpuna ng huli kay Executive Secretary Ralph Recto, at sa panawagan nitong magbitiw na ang kalihim sa kaniyang pwesto.

Nag-ugat ito sa isyu ng pondo sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) at ang naunang papel ni Recto bilang dating kalihim ng Department of Finance kasunod ng naunang paglilipat ng pondo ng state health insurer sa Treasury bureau.

Kabilang sa mga naglabas ng pahayag ay sina Iloilo Rep. Janette Garin, Batangas Rep. Gerville Luistro, at San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora.

Tinawag ni Garin ang mga pahayag ni Leachon bilang maling pag-atake, at ingay pulitika.

Para kay Luistro, hindi patas na sisihin si Recto sa kumplikadong polisiyang pananalapi na dumadaan din sa Kongreso, at mga economic managers ng bansa.

Giit ng mga mambabatas, kulang ang konteksto ng banat ni Leachon, at mas madaling maglabas ng pahayag na maaaring maging patok sa internet kumpara sa paglalatag ng konkretong solusyon na hindi lalong magpapabigat sa mga mahihirap. (report by Bombo Jai)