Reading Time: 1 minute

Tinanghal bilang world’s highest-paid actress si Scarlett Johansson sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Ayon sa Forbes, kumita ng $56 million si Johansson maliban pa sa nakuhang back-end payment para sa pelikulang “Avengers: Endgame.”

Pumapangalawa kay Johansson ang “Modern Family” star na si Sofia Vergara na kumita ng tinatayang $44.1 million, Reese Witherspoon na may $35 million, Nicole Kidman ($34 million), at Jennifer Aniston ($28 million).

Noong nakaraang taon, kabuuang kita na $40.5 million mula Hunyo 1, 2017 hanggang Hunyo 1, 2018, ang natanggap ng 34-year-old actress. (OMG)