Muling pinaalalahanan ng Supreme Court (SC) ang mga law enforcers na siguruhin ang presensiya ng lahat ng mga mandatory witnesses sa isasagawang mga pagdinig lalo na sa pagsasagawa ng inventory ng mga nasabat na mga ipinagbabawal na droga mula sa mga suspek.
Ang paalala ng Korte Suprema ay kasunod na rin ng pagbaliktad ng SC sa desisyon ng conviction ng lalaki kaugnay sa kinahaharap nitong drug charges ng lower court dahil na rin sa technicality.
Sa limang pahinang resolusyon na may petsang Disyembre 7, 2021 pero na-publish lamang sa SC website kahapon, binalitan ng first division ng kataas-taasang hukuman ang desisyon ng Court of Appeals (CA) at Bacolod City Regional Trial Court (RTC) Branch 52 decision at pinawalang sala si Bienvenido Chavez Jr.Ipinunto ng high court na sa certificate of inventory ng nakumpiskang items.
Sa kaso ni Chavez, malinaw daw dito na hindi present ang isang mandatory witness, ang Department of Justice (DoJ) representative sa isinagawang inventory.
Sa pag-absuwelto ng SC sa akusado, sinabi nitong ang pinalagpas daw ng CA ang absence ng isang witness dahil mayroon namang karagdagang elective official na siyang hahalili sa testigo ay dapat suportado ito ng letter of the law o ng jurisprudence.
Si Chavez ay naaresto sa drug bust noong Hunyo 30, 2009 sa Bacolod City at narekober sa kanya ang 13 grams ng shabu na kanyang ibinenta sa isang undercover law enforcer.
Ibinasura naman ng CA ang apela ni Chavez kaugnay ng conviction nito sa RTC na may sintensiyang life imprisonment at multang P800,000.