-- Advertisements --

Nilinaw ng kataas-taasang hukuman na hindi na kailangang i-renounce ng isang Pilipinong tumatakbong kandidato na ikinokonsiderang dual citizens na may magulang na Pilipino at banyaga ang kaniyang foreign citizenship para maging kwalipikado.

Sa inilabas na full decision, nagpasya ang 15 miyembro ng Supreme Court na ang mga Pilipino na ipinanganak ng may magulang na Pilipino at banyaga ay maituturing na dual citizen sa kapanganakan at hindi sa naturalization o anumang naging pamamaraan para kumpirmahin ang foreign citizenship nito.

Sa madaling salita, ayon sa kataas-kaatasang hukuman ang mga Pilipino na may dual citizenship ay ikinokonsiderang natural-born Filipinos ay kwalipikadong tumakbo para sa posisyon sa gobyerno.

Ginawa ng Sc ang naturang pahayag kasabay ng paninindigan nito sa petition sa disqualification ni Mariz Lindsey Gana-Carait at pinawalang-bisa ang September 23, 2021 decision ng Commission of Elections (Comelec) na kanselahin ang kaniyang certificate of candidacy para sa pagkakonsehal ng Biñan, Laguna noong May 2019 elections.

Ang kandidatura ni Gana-Carait ay tinutulan sa pamamagitan ng petition for disqualification dahil sa kabiguan nitong i-renounce ang kaniyang US citizenship at ib apang petition for cancellation ng kaniyang certificate of candidacy dahil sa false representation ng kaniyang eligibility para tumakbo sa naturang posisyon dahil sa kanilang American citizenship.

Bagamat ibinasura ng Comelec ang petsiyon para sa disqualification , kinatigan naman nito ang petition for cancellation ng kaniyang certificate of candidacy dahil sa ito ay dual citizen by naturalization dahil ang kaniyang ina ay may consula report ng kapanganakan ni Gana-Carait abroad bilang US citizen at American passport.

Iginiit din ng Comelec na dapat na tumalima si Citizenship Retention and Re-acquisition Act, o ang Republic Act No. 922 nanagrerquire sa kandidato na may dual citizens by naturalizationm na mag-take ng oath of allegiance sa Pilipinas at i-renounce ang kaniyang foreign citizenship para maging kwalipikado sa tumakbo sa posisyon sa gobyerno.