Ipinag-utos ng Supreme Court ang agarang pagpapalaya ng mga bilanggo na naisilbi na ang panahon ng kanilang pagkakakulong kahit na walang inilalabas na order mula sa korte liban na lamang kung kung ang karagdagang detention o pagkulong ay hinihingi ng batas para sa ibang legal na dahilan.
Sinabi ni SC Court Administrator Raul B. Villanueva sa inisyung circular na anumang pagkaantala sa pagpapalaya mula sa kulungan ang isang person deprived of liberty o preso ay maituturing na hindi makatarungan maliban na lamang sa ilang kadahilanan na pinapahintulutan ng batas.
Ayon sa SC Administrator, inisyu ang naturang circular matapos na ilang ahensiya ng gobyerno ang nagpahayag ng kanilang concern sa pagkaantala sa release orders mula sa mga hukuman para sa PDLs na naisilbi na ang kanilang jail terms at ang pagkaantala sa pagpapalaya sa mga PDLs mula sa kulungan.
Bunsod nito, sa bisa ng inisyung circular inatasan ag lahat ng ng trial courts na irequire ang mga government agencies o LGUs na may kustodiya sa mga PDLs na mayroong pending na kaso na magsumite ng reports once a week bago magpaso ang jail terms ng mga bilanggo.