-- Advertisements --

Inilabas na ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang listahan ng 21-man pool na kanilang pagpipilian para maglaro sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup.

Nanguna sa listahan sin Filipino-American guard Jordan Clarkson at naturalized players na sina Justin Brownlee at Ange Kouame sa 21-man pool ng Gilas Pilipinas na siyang sasabak sa FIBA World Cup 2023.

Ito ang inilabas na listahan ng SBP kasabay ng paghahanda ng national basketball team para sa nasabing torneo.

Kasama rin sa listahan ang magkakahalong manlalaro ng PBA kabilang si Kai Sotto.

Bukod pa dito ay kasama rin ang mga Japan B- League players na sina Dwight Ramos, Kiefer Ravena, Jordan Heading, Thirdy Ravena, Carl Tamayo at Ray Parks Jr.

Ilan sa mga PBA veterans na kasama ay sina CJ Perez, Chris Newsome, Roger Pogoy, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Poy Erram at Calvin Oftana.

Nakatakdang mag-ensayo ang Gilas sa Europa kung saan magkakaharap nila sa tune-up games ang mga koponan ng Estonia, Finland at ilang mga bansa sa Europa.

Nakahanay ang Gilas Pilipinas sa Italy, Angola at Dominican Republic para a group stage sa World cup na magsisimula sa Agosto.