-- Advertisements --

Patuloy na inaayos ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang mga dokumento nina Kai Sotto at Dwight Ramos para makasama sila ng Gilas Pilipinas sa pagsabak sa FIBA Asia Cup sa darating na Hunyo 16.

Sinabi ni SBP special assistant to the President Ryan Gregorio na nais nilang maayos agad ang mga papeles ng dalawa para sa kanilang ligtas na pagbalik sa bansa mula sa US.

Wala itong ibinigay na timeline kung hanggang kailan matatapos ang pagsasaayos nila ng mga papeles.

Kapag naayos na ng dalawa ay agad silang sasabak sa ensayo para makasama ang iba pang mga Gilas players.

Unang makakaharap ng Gilas ang South Korea sa June 16 at 20 bago makalaban ang Indonesia pagdating ng June 19.