Itinalaga ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. si Atty. Francis Edralin Lim bilang bagong chairperson ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin.
Si Lim ang papalit sa pwesto ni incumbent SEC Chairman Emilio Aquino, kung saan mag-eexpire sa June 6,2025 ang kaniyang pitong taong termino.
Sinabi ni Bersamin na kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kay LIM bilang bagong pinuno ng SEC na lalo pa nito mapapalakas ang kumpiyansa ng mga investor na mag invest sa bansa at lalong lalago ang financial sector ng bansa.
Si Lim ay kilala miyembro sa legal and financial communities na mayruong extensibong karanasan sa corporate and securities law.
Nagsilbi din siyang president and chief executive officer ng Philippine Stock Exchange (PSE) mula 2004 hanggang 2010.