-- Advertisements --

Tinanggal ng National Unity Party si Deputy Speaker and Cebu 5th District Representative Vincent Franco “Duke” Frasco dahil sa kanyang pagtanggi na suportahan ang pananatili ni Ferdinand Martin Romualdez bilang House Speaker. 

Sinabi ni LRay Villafuerte, pangulo ng National Unity Party (NUP) at Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Camarines Sur, na ang unilateral decision ni Frasco ay isang hayagang paglabag sa opisyal na posisyon ng NUP na panatilihin ang suporta kay Romualdez bilang Speaker sa susunod na Kongreso.

Giit pa nito, dapat muna aniyang nakipag-ugnayan si Frasco sa pamunuan ng NUP hinggil sa kanyang salungat na posisyon sa halip aniya na ilabas ito sa publiko at suwayin ang nagkakaisang desisyon ng kanilang partido. 

Ang NUP ay isa sa mga partidong politikal na kabilang sa super majority coalition na sumusuporta kay Romualdez upang manatili sa pwesto bilang House Speaker sa pagpasok ng 20th Congress sa Hulyo.