-- Advertisements --

Ikinokonsidera ng ngayon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagpapalit ng mga manlalaro ng Gilas Pilipinas.

Kasunod ito sa pagiging pang-pitong puwesto ng Gilas Pilipinas sa katatapos na 2025 FIBA Asia Cup na ginanap sa Jeddah Saudi Arabia.

Ayon kay SBP Executive Director Erika Dy, na
kaya sila mayroong programa sa bawat windows ng FIBA.

Kada windows ay mayroon silang ginagawang mga evaluation process para makita ang anumang adjustments.

Nakatuon ngayon sila sa 2027 FIBA World Cup Qualifiers na gaganapin sa huling buwan ng taong kasalukuyan.

Uan ng sinabi ni Gilas coach Tim cone na mayroong mga gagawing pagbabago gaya ng pagkilala ng FIBA kay Quentin Millora-Brown bilang local player at ang pagbabalik sa paglalaro na ni Kai Sotto mula sa injury.