SBMA sea games venue

DAGUPAN CITY – Handa na ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para sa mga atleta at delegadong mauunang darating para sa 2019 SEA Games.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, sinasabing mula noong malaman nila na isa ang SBMA sa mga napiling benue sa SEA Games ay agad na naghanda ang nabanggit na pamunuan.

Sa katunayan ayon pa kay Armie Llamas, manager ng public relations Department ng SBMA, kalagitnaan pa lamang ng 2018 nang mag-umpisa na silang maghanda sa mga venue maging ang mga billeting areas doon.

Napansin din ng Bombo Radyo news team sa pagsasagawa ng ocular inspection na halos all system go na ang mga games venue.

Napag-alaman na inaasahang na may mga advance party na ang darating at tuluyan namang makokompleto ang mga mananatili rito sa oras na pormal ng mag-umpisa ang SEA Games sa November 30 na siyang official kick off.

-- Advertisement --
SBMA sea games
SBMA armie sea games
SBMA sea games seag