-- Advertisements --

Tiniyak ng Kingdom of Saudi Arabia na pino-proseso na ngayon ang bayad para sa mga benepisyo sa mga Pilipino workers na hindi nabayaran ng kanilang mga sahod matapos diniklarang bankrupt ang mga kumpanyang kanilang pinag tatrabahuhan.

Ayon sa Saudi government mayruon na silang inilaang initial funding para sa mga benepisyo ng mga mangagawang Pinoy.

Sinabi ni Saudi Crown Prince at Prime Minister Mohammed Bin Salman kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., na pino proseso na nila ang bayad at tinatrabaho na rin ng Kaharian ang mga detalye dito.

Nagpahayag naman ng interes si Prince Mohammed na bumisita sa Pilipinas at dito pormal na inimbitahan ng chief executive ang Crown Prince.

Una ng nagkita ang dalawang lider sa Bangkok, Thailand, sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting nuong November 2022.

Samantala pinuri naman ni Pang. Marcos ang Saudi Arabia sa matagumpay na pag host ng ASEAN-GCC Summit na mayruong significant global impact lalo na sa pag promote ng international peace and security.