-- Advertisements --
image 95

Nagsagawa ng peace talks ang mga delegasyon ng Saudi at Omani kasama ang mga Houthi officials ng Sanaa, Yemen.

Ito ay sa gitna ng paghahangad ng Riyadh ng permanenteng tigil-putukan upang mawakasan na ang military involvement sa matagal nang digmaang nagaganap sa nasabing bansa.

Agad na nakipagkita ang Saudi, Omani sa pinuno ng Houthi Supreme Political Council, Mahdi al-Mashat, sa presidential palace ng Sanaa noong Sabado pagkarating nila sa bansa.

Dito ay binigyang-diin ni President Al-Mashat ang kanilang posisyon na naglalayon ng isang “honorable peace” kasabay ng paghahangad ng Yemeni ng kalayaan at independensya.

Sa naturang pagpupulong ay sumentro sa iba’t-ibang usapin kabilang na ang full reopening ng Houthi-controlled ports at Sanaa airport, pagpapasahod sa mga public servants, rebuilding efforts, at gayundin ang pagtatatag ng timeline para sa foreign forces na lumabas ng bansa.

Kung maalala, mula pa noong taong 2015 ay sumiklab na ang digmaan sa pagitan ng Yemen at mga sundalo ng Saudi na kumitil sa buhay ng libo-libong mga indibidwal at nag-iwan lamang ng 80% ng populasyon ng Yemen na kasalukuyang umaasa naman ngayon sa humanitarian aid na papaabot sa mga biktima ng nasabing kaguluhan.