-- Advertisements --

Naka-alerto ngayon ang mga bansang kaalyado ng Saudi Arabia laban sa inaasahang tugon ng Yemeni rebels matapos gantihan ng coalition ang mga rebelde sa ginawang drone attack sa pinaka-malaking oil facility sa Jeddha.

Batay sa ulat ng Saudi Press Agency, winasak ng mga militar ang apat na kuta ng mga rebelde sa hilagang bahagi ng port city ng Hodeida.

Nabatid ng Saudi coalition na doon binubuo ng mga rebelde ang kanilang remote-controlled boats and sea mines.

Itinuturing ng Jeddha na banta sa maritime security ang aktibididad ng mga rebelde sa naturang bahagi ng Yemen.

Hindi naman daw agad rumesbak ang Houthi rebels kaya binabantayan ngayon ng mga otoridad.

Ilan sa mga Middle East countries na kaalyado ng Saudi ang Bahrain, Kuwait, Qatar at ilang estado sa hilagang Africa.(AFP)