-- Advertisements --

Napili ang Saudi Arabia para maging host ng 2029 Asian Winter Games.

Gaganapin ito sa $500- bilyon futuristic megacity na matatagpuan sa disyerto. Ayon sa Olympic Council of Asia (OCA) na ang mga disyerto at bundok sa Saudi Arabi ay malapit ng maging playground para sa winter sports.

Mabilis na naaprubrahan ang pag-bid ng Saudi at ang megacity na ito ang magiging unang West Asian city para maging host ng event.

Ang Asian Winter Games ay gaganapin sa Trojena kung saan bumabagsak sa below zero Celcisu ang temperatura doon.

Inaasahan na ito ay makukumpleto ng hanggang 2026 kung saan ang Trojena ay kinabibilangan ng year-round skiing, manmade freshwater lake, chalets, mansions at ultra-luxury hotels.