Nanindigan ang Saudi Arabia na hindi nito magkakaroon ng diplomatic relations sa Israel kung hindi kikilalaning independiyente ang Palestinian state.
Ito ang iniulat ni White House National Security spokesperson John Kirby matapos aniyang makatanggap ang Estados Unidos ng feedback mula sa Saudi Arabia at Israel hinggil sa pagiging bukas nito na ipagpatuloy ang kanilang normalization discussion sa pagitan ng dalawang bansa.
Sabi ng opisyal, may binitawang kondisyon ang Saudi Arabia bago pumasok sa isang diplomatic relations sa Israel at ito ay pagkilala sa Palestinian state bilang independent sa ilalim ng 1967 borders ng East Jerusalem.
Bukod dito ay isa rin sa mga naging kondisyon ng Saudi Arabia ay ang tuluyan nang itigil ng Israel ang mga aggression at pag-atake nito sa Gaza Strip.
Ang ideya ng Israel at Saudi Arabia na pinagtitibay ang mga ugnayan sa naturang mga usapin nang magbigay ang Saudi ng kanilang tahimik na pagsang-ayon sa mga kapitbahay sa Gulf na United Arab Emirates at Bahrain na nagtatag ng mga ugnayan sa Israel noong 2020.