-- Advertisements --

Kinilala si Satya Nadella bilang bagong makapangyarihan sa Microsoft.

Siya ang bagong chairman ng tech giant’s, ang isa sa pinakamahalagang kompaniya sa buong mundo.

Si Nadella, ay nagsilbi bilang punong ehekutibo mula pa noong 2014, tumulong siya na baguhin ang PC maker na siyang nangunguna sa cloud computing nitong mga nakaraang taon, na nagreresulta naman sa blockbuster earnings at isang market cap malapit sa $2 trilyon.

Sinabi ng Microsoft (MSFT) sa isang pahayag na si Nadella ay “pinipili ng lahat” upang palitan si John Thompson sa posisyon.

Noong nakaraang buwan, lumabas ang balita tungkol sa isang relasyon sa pagitan ni Bill Gates at isang empleyado noong 2000.

Kinilala ng mga kinatawan ni Gates ang ugnayan habang siya ay chairman of the board ng nasabing kompaniya.