-- Advertisements --
NEDA

Hinimok ng pamunuan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga ahensiya ng pamahalaan na magtulungan para sa pagpapatatag ng supply ng pagkain sa bansa.

Ang NEDA ang nagsisilbing pinuno ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook.

Ang naturang inter-agency ay may tungkulin na bumuo ng mga inisyatiba para mapagbuti pa ang ekonomiya, matugunan ang inflation, at mapataas ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino.

Ayon sa NEDA, tinitingnan nila ng posibilidad na paggamit ng mga satellite-based na teknolohiya para mas madali ang pagtukoy sa mga dahilan ng inflation o paggalaw sa presyo ng mga produkto, kasama na ang mabilis na pagtugon sa krisis sa pagkain.

Katwiran ng ahensiya, malaki ang maitutulong ng mga ahensiya ng pamahalaan, civic organization, akademiya, atbp, upang makabuo ng nararapat na teknolohiya para rito.

Malugod umanong tatanggapin ng naturang inter-agency ang anumang matutukoy na magandang teknolohiya, na magagamit para sa sektor ng pagkain sa bansa.

Samantala, anumang mabubuong rekomendasyon ng naturang inter-agency ay i-aakyat sa Economic Development Group upang talakayin at tukuyin ang bentahe nito.