-- Advertisements --
Nabili sa halagang $851,070 ang kotse na pag-aari ng namayapang Princess Diana.
Ayon sa Silverstone racing circuit sa Britanya, na isang Ford Escort RS Turbo Series 1 ang huling sasakyan ng Princess of Wales’ mula 1985 hanggang 1988.
Mayroong itinakbo na 24,961 base sa odometer ng nasabing sasakyan.
Noong ginamit ni Princess Diana ang sasakyan m ula Chelsea at Kensington ay mayroon lamang itong 6,800 miles bago ito ibinalik sa Ford.
Bago maibalik ito ay nagkaroon ng iba’t-ibang may-ari ito.
Hindi na rin binanggit ng auction house kung sino ang nakabili sa nasabing sasakyan.
Kadalasan na ang RS Turbo Series 1 ay kulay puti subalit nakiusap ang royal family police guard na pinturahan ito ng itim para maiba.