-- Advertisements --
image 127

Wala raw nakikita ang isang senador na kakulangan ng bigas sa bansa hanggang sa susunod na taon.

Ayon kay Senator Imee Marcos, ang suplay ng bigas ngayon sa bansa ay nakikitang malalagpasan pa ang consumer demand at wala raw rason ang Department of Agriculture (DA) na mag-isyu ng import clearances.

Sinabi ng senador na base raw sa kanyang nakalap na datos, walang mangyayaring importasyon ng bigas hanggang sa susunod na taon.

Magiging dahilan lamang daw ang pag-angkat ng bigas ng pagbaba ng farmgate price ng palay.

Ginagawa naman daw ng mga magsasaka ng bansa ang lahat ng kanilang makakaya para makapag-produce ng suplay para sa domestic use.

Base sa projection ni Marcos, nasa 5.13 million metric tons (MT) ng locally grown rice sa third quarter ang aasahan para malagpasan ang domestic demand na 3.7 million MT.

Magagamit din ang suplay bilang buffer stock na aabot sa 1.43 million metric tons at ito ay maabot sa katapusan ng buwan.

Sa ika-apat na quarter, ang local rice supply daw ay posibleng umabot sa 6.24 million MT kontra sa demand ng 4.02 million MT.

Nangangahulugan daw ito na madadagdagan pa ng 2.22 million MT ang buffer stock pagsapit ng katapusan g 2022.

Sa kabuuan, ang total buffer stock ng 3.65 million MT sa katapusan ng taon ay puwedeng gamitin sa loob ng 55 hanggang sa 60 araw.

Siniguro rin ng senadora na wala na raw natitirang valid sanitary at phytosanitary import clearances par ma-justify ag mas marami pang rice imports ngayong taon.

Sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program na inihanda ng Department of Budget and Management (DBM), ang panukalang budget allocation para sa National Rice Program ay nadoble mula P15.8 billion ngayong 2022 sa P30.5 billion sa 2023.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang proposed budget ay magagamit para sa expansion ng fertilizer support, mechanization at post-harvest facilities, research at development at iba pang safety nets para sa mga local rice farmers.