-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon nga mga otoridad matapos makita ng mga mangigisda sa Brgy. 4, Bacarra ang isang sanggol na palutang-lutang at wala ng buhay sa Bislak River.

Ito ang ang ipinaalam ni Police Major Arnel Tabaog, ang chief of police ng nasabing bayan.

Ayon kay Tabaog, matapos naipaalam sa kanilang opisina ang pagkarekobre ng mga mangingisda sa bangkay ng sanggol ang agad na nagresponde ang kapulisan sa lugar.

Aniya, may umbilical cord pa ang sanggol nang marekobre ito at nagtamo ng maraming sugat sa katawan.

Naniniwala si Tabaog na hindi naggaling sa Barangay 4 ang sanggol at posibleng nagmula sa mga kalapit na bayan.

Una rito, sinabi ng hepe na posibleng may buhay pa ang sanggol nang maipanganak ito at intensyon ng ina na itapon sa ilog.

Ani Tabaog na matapos maeksamin ang bangkay ng sanggol ay dinala sa punerarya at nahandogan ng misa bago tuluyang nailibing.

Samantala, panawagan ni Tabaog sa mga residente ng Bacarra at Vintar na tumulong sa paghahanap ng posibleng nagtapon ng sanggol upang mapatawan ng kaso at mabigyan ng hustisya ang biktima.