Sa unang pagkakataon, ipinakita na ng dating beauty queen na si Sandra Seifert ang larawan ng kanyang anak kasama si Cesar Montano.

Sandra Seifert 2
@sandraseifert Love Actually 💙🎄 #fiveweeksbeforechristmas

Sa post ni Seifert eksakto isang buwan bago ang Pasko, makikita na magkayakap ang mag-ama na mistulang nasa isang restaurant.

Taong 2017 nang mapaulat na nabuntis umano ni Buboy ang Miss Philippines Earth 2009.

Sa ngayon ay mayroong long time partner ang 58-year-old actor na sinasabing nagngangalang Maria Socorro.

Nitong Setyembre ay naging usap-usapan ito matapos tila ipinakilala na siyang babaeng nakahubad na nahagip sa gitna ng birthday video greeting ni Cesar, dalawang taon na ang nakakaraan.

Noong 2018 nang tuluyang mapawalang bisa ang kasal ni Cesar sa dating sexy star na si Sunshine Cruz, sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong anak.