Umaasa ngayon ang Sandiganbayan na lalo pang mapapabils ang kanilang serbisyo matapos ang pagpapatupad ng adjustments sa kanilang operasyon matapos luwagan ang mga restrictions sa National Capital Region (NCR).
Sa ilalim ng Administrative Order No. 017-2022 sinabi ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na ang work arrangements ay ajusted na at saka lang ito babaguhin kapag mayroong bagong direktiba sa mga protocols.
Sa ilalim ng guidelines, ang anti-graft court ay binuksan na ang 80 percent ng kanilang opisina mula Lunes hanggang Biyernes dakong alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon.
Ang mga chambers at offices ng Sandiganbayan ay dapat mapanatili ang minimum health standards at social distancing habang ang mga justices, officials at employees ay inatasang i-report ang health status ng kanilang empleyado sa Medical Section sa kanilang head of office.
Ang lahat din ng mga justices, officials at employees na mayroong flu-like symptoms ay dapat hindi na pumasok sa trabaho at kailangang ipagbigay alam agad sa Medical Section at ang kanilang immediate supervisor naman ang magbibigay ng update sa kanilang health condition.
Lahat naman ng mga pagdinig sa Sandiganbayan ay isasagawa sa pamamagitan ng in-court, kasama ang mga partido, counsels at mga testitigo na nasa courtroom.
Isasagawa naman ang hearings sa pamamagitan ng video conferencing pero para lamang sa mga piling kaso kung hihilingin ito ng parehong partiko na sangkot sa kaso o kung ito ang utos ng korte.
Papayagan na rin ang personal at electronic filing/service ng mga pleadings at iba pang court submissions pero dapat ay makipag-ugnayan mula sa concern na opisina.