Kinuwestyon ng Sandiganbayan ang mga state prosecutor mula sa Office of the Solicitor General (OSG) dahil sa umano’y matagal na delay sa pagpresenta ng ebidensya at mga testigo sa forfeiture case kaugnay ng alleged ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos.
Humiling ng karagdagang oras ang Office of the Solicitor General (OSG) at Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ipinaliwanag na hirap silang kumpletuhin ang records dahil sa dami ng dokumento at pagreretiro ng mga dating personnel.
Pero iginiit ng korte na matagal nang nakabinbin ang kaso at hindi sapat ang “general request for more time” bilang dahilan ng patuloy na pagkaantala.
Tutol ang depensa dahil maaapektuhan din umano ang kanilang paghahanda ng ebidensya. Sa huli, ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pagsusumite ng position papers at isusumite na ang kaso para sa resolusyon. (report by Bombo Jai)















