-- Advertisements --
image 17

Ibinasura ng Sandiganbayan ang inihaing mosyon ng negosyanteng si Janet Napoles para i-dissmiss ang kaso nitong plunder at graft na isinampa laban sa kaniya kaugnay sa kontrobersyal na P10 billion pork barrel scam dahil sakawalan ng merito.

Ang desisyong ito ng anti-graft court ay nakasaad sa siyam na pahinang resolusyon na may petsang Nobiyembre 25.

Ayon pa sa Sandiganbayan, ang mga iprinisentang mga testimoniya at dokumentaryong ebidensiya mula sa prosekusyon ay sapat para suportahan ang hatol na guilty laban sa akusadong si Napoles.

Dahilan para magpasya ang korte na ibasura ang “motions for leave to file demurrer to evidence” na inihain ni Napoles.

Sa nabanggit na mga kaso, inakusahan si Napoles ng pagkamal ng komisyon mula sa kaban ng bayan at pagbabayad ng komisyon kay dating Masbate lawmaker Rizalina Seachon-Lanete dahil ang naturang mambabatas ang nag-endorso sa pinapatakbo ni Napoles na Non-Government Organization (NGO) na Social Development Program for Farmers Foundation (Inc.) bilang implementing agency para sa mga proyekto ng pamahalaan na pinondohan ng pork barrel o discretionary fund ng mambabatas.

Inakusahan din ng prosekusyon si Lanete na ibinulsa nito ang nasa P107 million mula sa mga kasunduan nito kay Napoles mula noong 2007 hnaggang 2009 kung saan nananatiling unliquadated.

Ang motion for leave of court to file demurrer to evidence ay inihain ng isang defendant kapag ito ay hindi sang-ayon sa karagdagan pang mga trial proceedings dahil sa hindi sapat na ebidensiya mula sa nagsasakdal.