ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon na inihain ng gobyerno para ideklarang in default ang 7 iba pang defendants sa P2.3 billion ill-gotten welath case laban sa pamilya Marcos.
Kung ang isa kasing defendant ay tumanggi o nabigong tumugon sa itinakdang period, ang nagsasakdal ay maghahain ng isang mosyon para ideklarang in default ang isang defendant. Kapag kinatigan ito ng korte, ang defendant ay hindi na makakapag-participate pa sa anumang paglilitis sa kaso subalit makakatanggap pa rin ang defendant ng kopya ng pleadings at court issuances.
Una rito, ang Civil Case No. 0010 ay inihain noong Enero 22, 1987 kung saan kinuwestyon ng pamahalaan ang mahigit P2.33 billion assets ng Marcoses at ng kanilang co-defendants. Sa naturang assets kabilang ang P1.701 billion na real properties at P626.64 million shares of stocks ng iba’t ibang korporasyon.
Kasama sa mga inapela na in default sa naturang civil case ay sina Anthony P. Lee, Severino Dela Cruz, Jose P. Fernandez, Jose Marcelo Jr., Gabriel Llamas, Mariano Balgua, at Jose D. Campos Jr.
Una ng idineklarang in default sa naturang kaso sina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr at si dating first lady Imelda Marcos noong June 26, 1989.
Gayundin ang mga defendants na sina Hilario Ruiz, Arturo Pacificador, Joselito Manat, Ceres Manat, at Antonio Espeleta na idineklarang in default noong Sept. 27, 1994, habang si dating Tacloban City Mayor Alfredo T. Romualdez ay idineklarang in default noong Sept. 27, 2018.