Nakatakdang dinggin ng Sandiganbayan ngayong Biyernes ang motion ni Ombudsman Samuel Marteres na bawiin ang kasong usurpation at graft na isinampa ng kanyang opisina laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III na may kaugnayan sa 2015 Mamasapano encounter.
Batay sa court schedule, diringgin ng Fourth Division ng Sandiganbayan ang motion ni Martires mamayang ala-1:30 ng hapon.
Inaasahang magsisimula ang hearing na ito isang taon at limang buwan ang nakalipas nang pinagbigyan ng Supreme Court ang temporary restraining order (TRO) na inihain ng Office of the Solicitor General at kaanak ng napaslang na 44 Special Action Force (SAF) members na napaslang sa madugong encounter.
Nais ng mga petitioners na maghain ng homicide charges ang Ombudsman laban kay Aquino, dating suspended Philippine National Police chief Police General Allan Purisima at dating SAF chief Police Major General Getulio Napeñas.
Kaugnay nito ay aalamin pa naman ng anti-graft cort kung paano hahawakan ang motion ni Martires na hindi naman lumalabag o sumasaway sa TRO na inilabas ng Kataas-taasang Hukuman.