-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Umaasa ang tinaguriang greatest international bowler of all time na mas mapabilis ang pagbalik ng 100% allowance ng mga atleta at coach na kabilang sa national pool.

Nitong June 1 nang binawasan ng 50 percent ang allowances ng mga nasabing indibidwal upang ilaan bilang tulong sa mga apektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic

Sa eksklusibong panayam ng Star FM Baguio kay Nepomuceno, sinabi nito na sana ay ibalik na sa dati ang allowances ng mga atleta dahil kahit naka-lockdown ay nagti-training pa rin naman ang mga ito sa pamamagitan ng zoom sessions.

“Sana ibalik na sa dati, nagte-training naman lahat sila habang naka-lockdown. Sa bowling, may zoom sessions sila.”

Nagbigay din ito ng payo sa mga atleta na apektado ng COVID-19 crisis.

-- Advertisement --

“Sa lahat ng atleta na naapektuhan, ‘wag kayong mawalan ng pag-asa. Konting sakripisyo lang, prayers and the tuloy lang ang training niyo.”