-- Advertisements --

Ikinadismaya ng grupo ng Alliance of Health Workers (AHW) ang pagtatalaga ni Pangulong Marcos kay former Philippine National Police (PNP) chief at retired General Camilo Cascolan bilang bagong Department of Health (DOH) undersecretary.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa presidente ng Alliance of Health Workers na si Robert Mendoza, sinabi nito na “first time raw in the history” ang nangyaring pagtatalaga sa isang military personnel bilang undersecretary ng DOH.

Aniya, madami pa naman daw ang mas qualified na mga doctor at iba pang mga health experts ang maaaring italaga sa pamunuan ang ahensya na talagang may medical background at qualified para sa nasabing posisyon.

Binigyang diin pa ni Mendoza na dapat daw may alam daw sa pangkalusugan ang uupo bilang Department of Health undersecretary at hindi kaalaman umano ukol sa isyung pang-kapulisan.

Sinabi pa nito Mendoza na hindi daw umano karapat-dapat si Gen. Cascolan para sa nasabing posisyon dahil hindi naman sya isang medical expert na kung saan wala daw siyang kaalaman ukol sa usaping pangkalusugan lalo na ngayon sa panahon ng pandemya.

Kung maalala si Cascolan ay hinirang na PNP chief noong Setyembre 2020 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit bumaba sa puwesto noong Nobyembre ng parehong taon nang maabot ang mandatory retirement age.

Naging undersecretary din siya sa Office of the President noong February 2021 bago naitalaga ngayon sa DOH.

Sinabi na rin sa Bombo Radyo ni Cascolan ang kanyang pagiging eksperto sa emergency situations at nanguna rin daw siya sa COVID-19 response noong siya pa ang PNP chief. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)