CAGAYAN DE ORO CITY – Umaasa si Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma na mayroong mga politiko sa bansa na magiging katulad ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Ito’y kasabay ng pagpuri ni Archbishop Ledesma kay Pimentel sa mga naging pamamaraan nito at mga nagawa bilang public servant.

Ikinatuwa ni Ledesma ang batas ni “Tatay Nene” na Local Goverment Code at Cooperative Code of the Philppines na nakapagbigay ng malaking tulong sa mamamayan.

Pinuri rin ng obispo si Tatay Nene dahil bukod sa pagiging mabuting lider ay mapagmahal din ito sa pamilya na karapat-dapat lamang aniya na tularan ng iba.