Umaasa ang MalacaƱang na mangingibabaw ang hustisya sa karumal-dumal na Maguindanao massacre sa oras na magbaba ng hatol ang korte sa darating na Disyembre 19, araw ng Huwebes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiwala silang maglalabas si Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Reyes ng hatol batay sa mga ebidensiyang naiharap ng magkabilang panig.

Ayon kay Sec. Panelo, bilang isa sa mga dating abuoado ng mga Ampatuan na primary suspects sa krimen, hindi na siya magbibigay ng personal na opinyon dahil baka maintriga pa ito at mabigyan ng ibang interpretasyon.

Basta ang mahalaga aniya ay mangibabaw ang hustisya at dapat igalang anuman ang magiging hatol ng hukom.