-- Advertisements --

Nag-desisyon si San Juan Mayor Francis Zamora na magpasailalim na sa self-quarantine matapos mag-positibo sa COVID-19 ang isa sa kanyang mga staff.

Sa ngayon wala naman daw nararamdamang kahit anong sintomas ang alkalde, gayundin na nasa mabuti ang kanyang lagay.

Tiniyak naman ni Zamora na sa kabila ng sitwasyon ay hindi mawawalan ng tulong ang buong lungsod sa ilalim ng kanyang liderato.

“In the interest of public safety, I will be going on self-quarantine starting today, March 29, up to April 11, 2020. Rest assured that as your Mayor, I will continue to manage San Juan’s day-to-day operations, most especially the medical and social aspects of our battle versus COVID-19,” ani Zamora.

Batay sa huling datos ng San Juan LGU, 73 ang nakumpirmang positibong kaso sa lungsod.

Ang 10 mga ito ay namatay, habang 17 ang na-discharge na.