-- Advertisements --

Personal na iniabot ni Francis Zamora, alkalde ng San Juan City at National President ng League of Cities of the Philippines, ang P1,000,000 na tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Juan kay Governor Ruel Pacquiao sa Sarangani Provincial Capitol bilang suporta sa nagpapatuloy na rehabilitasyon at recovery efforts ng probinsya matapos ang pinsalang dulot ng lindol.

Matapos ang turnover, bumisita si Mayor Zamora sa Malapatan Public Market at Malapatan Wharf upang personal na makita ang lawak ng pinsala.

Mula Sarangani, nagtungo naman siya sa General Santos City kung saan iniabot niya ang karagdagang P1,000,000 mula sa San Juan City at isa pang P1,000,000 mula sa League of Cities of the Philippines na personal namang tinanggap ni Mayor Lorelie Pacquiao.

Dumalo rin sa turnover sina Koronadal City Mayor Bing Pabi-Araquil at Tacurong City Mayor Lina Montilla, at nagkaroon ng talakayan hinggil sa nagpapatuloy na recovery efforts sa mga apektadong lugar at iba pang prayoridad ng League of Cities of the Philippines.