Kinumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na positibo sa poliovirus ang nakuhang environmental samples mula sa Butuanon River sa Mandaue City sa Cebu.

Ayon sa Department of Health, nakikipag-ugnayan sila sa World Health Organization para sa wastong vaccination response na kanilang gagagawin.

Bukod dito, tinutulungan na rin sa ngayon ng DOH ang lungsod ng Cabanatuan at Mandaue para mapabuti ang kanilang Acute Flaccid Paralysis surveillance capacities kabilang na ang kanilang identification at reporting mechanism.

Sa isang statement, binigyan diin ni Health Sec. Francisco Duque ang kahalagahan nang maagang pag-detect sa acute onset ng paralysis sa mga kabataan.

“We have evidence that the poliovirus continues to spread. Our aim is to promptly diagnose and treat all possible polio cases,” ani Duque.

Kahapon, kinumpirma ng DOH ang ika-17 polio case sa bansa, na isang taong gulang na batang lalaki mula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.