Ikinasal ang actress na si Sam Pinto at PBA player Anthony Semerad.

Sa kani-kanilang social media account, ipinost nila ang ilang larawan ng pag-iisang dibdib.

Unang bahagi pa lamang aniya ang kanilang kasal nitong Marso 8 dahil balak nila ang pangalawang yugto ng kasal sa Disyembre kapag makakabiyahe na sa Pilipinas ang kanilang mga kaanak at mga kaibigan.

Noong Nobyembre 2019 ng alukin ni Semerad ng kasal ang actress matapos ang mahigit isang taon na pagsasama.