Nawalan ng paningin sa isa niyang mata ang author na si Salman Rushdie matapos ang insidente ng pananaksak sa New York noong Agosto.
Kinumpirma ng kaniyang agent na si Andrew Wylie ang insidente kung saan nagtamo ito ng 15 iba pang mga sugat sa kaniyang tiyan.
Hindi naman na nito binanggit kung nasaan ngayon ang kinaroroonan ng nasabing author.
Naghain naman ng not guilty plea ang 24-anyos na suspek na si Hadi Matar dahil sa attempted murder.
Magugunitang maraming mga pagbabanta sa buhay na natanggap si Rushdie matapos ang ilabas ang nove nito na The Satanic Verses noong 1988.
Ikinagalit kasi ng maraming Muslims ang pagsasalarawan nito kay Prophet Muhammad na nag-iinsulto sa kanilang paniniwala.
Naglaan pa ng $3 milyon na reward ang dating Iranian lider na si Ayatollah Ruhollah Khomeini.