-- Advertisements --

Suportado ni House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Sarte Salceda ang mga hakbang upang paganahin ang pagbuo ng nuclear energy sa Pilipinas, kung saan ang nuclear energy generation sa bansa ay angkop para sa lumalaking pangangailangan sa pagkain at pabahay.

Tatalakayin ngayong araw ng House Ways and Means Committee ang mga panukalang batas hinggil Philippine Atomic Energy Regulatory Authority.

Ang panukala ay nagbibigay din ng isang komprehensibong legal na balangkas para sa proteksyon ng radiation, seguridad ng nuklear, at mga pananggalang, at pisikal na kaligtasan sa mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear sa Pilipinas kung saan si Salceda ang pangunahing may-akda ng panukala.

Sinabi ni Salceda na upang mapalakas ang buong bansa gamit ang lakas ng hangin, kailangan ng isang lugar na kasing laki ng buong rehiyon ng Bicol.

Inihayag ni Salceda na 28% mas mura ang coal kapag ito ang ginamit.

Ipinunto din ni Salceda ang “crucial role” ng isang working regulatory model para sa nuclear.