Sang-ayon si House Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Sarte Salceda sa pahayag ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na mas pabor sa mga mamumuhunan kung agad na matatapos ng lehislatura ang proseso ng pag-amyenda sa Konstitusyon.
“I agree. Investor certainty is a function of legislative speed. The shorter the debates take, the more certain investors become. But in the House framework – there is no investor uncertainty. If anything, there is cause for investor optimism,” pahayag ni Salceda.
Magugunita na sinabi ni Balisacan na umaasa ito na agad na magkakasundo ang Kongreso kaugnay ng pag-amyenda sa Konstitusyon para mas mapalagay ang mga mamumuhunan na nag-aabang sa mga mangyayari bago magdagdag o magpasok ng pamumuhunan sa bansa.
Ayon kay Salceda sa ilalim ng panukalang pagbabago ay mapapalagay ang loob ng mga mamumuhunan.
Sa panukala ng Kamara, sinabi ni Salceda na inaasahan ang paglalagak ng mga dayuhang mamumuhunan ng mas maraming investment dahil mababwasan ang kanilang mga aalalahanin.
“The only way this affects foreign investors already here is that they could bring in even more money, so they might need to be more optimistic with their expansion plans,” wika pa ni Salceda.