-- Advertisements --

Nilinaw ni Ways and Means Chair at Albay Rep. Joey Salceda na hindi makaka-apekto sa Rice Competitiveness Enhancement Fund ang planong pagpapababa sa ipinapataw na taripa sa imported na bigas, matapos magpahayag ng pangamba ang ilan.

Paliwanag ni Salceda, nakolekta na ang kinakailangang P10 billion na halaga ng taripa na siyang pinampopondo sa RCEF.

Sinabi ng ekonomistang mambabatas maiging ipaubaya na lang kay Pang. Ferdinand Marcos Jr, ang pagbabago sa tariff rates, gayong malapit na rin mag adjourn ang Kamara.

” With three weeks left before Congress adjourns, this decision is best left to the President and his power to adjust tariff rates when Congress is not in session. Obviously, it will be a temporary modification,” pahayag ni Salceda.

Ayon kay Salceda sakali aniya na ibaba sa 10% ang taripa mula sa kasalukuyang 35% ay maaari itong magresulta ng P6 na bawas sa presyo ng kada kilo ng bigas.

Mungkahi ni Salceda na sabayan ang rice tariff reduction ng mas pinalakas na pagbili ng National Food Authority ng palay upang hindi naman sumadsad ang farmgate price ng lokal na bigas.

” I also strongly suggest that the rice tariff reduction should be accompanied by more aggressive palay buying operations by the NFA, to ensure that the surge in imports does not unduly depress farmgate prices. The Rice Tariffication Law allows the NFA to source palay locally,” pahayag ni Salceda.