-- Advertisements --

Para mas mapabilis ang proseso, inirekominda ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda na isama na lamang sa Bayanihan 2 ang mga COVID-19 economic recovery measures.

Sinabi ni Salceda na mas mainam na pagsamasamahin sa ilalim ng isang “big package” ang panukalang Financial Institutions Strategy Transer (FIST) bill, Government Financial Institutions Unified Incentives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) bill, at MSME regularization programs na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nationa Address (SONA) noong Hulyo 27, 2020.

Sa ganitong paraan, ayon kay Salceda, magiging isahan na rin ang pagtalakay sa mga economic measures na ito sa bicameral conference kasama ang Senado.

“That would expidite the process, and since all of these are economic recovery measures, there would be no issues with germaneness of the subject matters,” ani Salceda.

Iginiit ni Salceda na mas magada ang impact sa overall confidence kapag mas mabilis ang proseso sa pag-apruba sa mga stimulus packages na nakabinbin ngayon sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

“If we can pass a big stimulus package fast, that is already an injection of positive sentiment into the markets — we will be starting on the right note,” dagdag pa nito.

Samantala, bagama’at susunod siya sa request ni Pangulong Duterte para sa Bayanihan 2, sinabi ni Salceda na kailangan mas maging handa at bukas ang bansa para sa mas malaking stimulus package, na maaring ipaloob sa ilalim ng 2021 budget.

Tiniyak naman ng kongresista na maghahanap siya ng mas marami pang revenue streams para mapondohan ang mas malaking stimulus program.