Hiniling ni House Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Sarte Salceda kay Civil Service Commission Chairperson Karlo Alexei Nograles na ilabas na ang guidelines para sa issuance ng Certificate of Eligibility para sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) sa ilalim ng Republic Act No. 11768.
Si Salceda ang principal author ng nasabing panukala.
Ang nasabing batas na nag amyenda sa SK Reform Act, ipinakilala ang benepisyo sa mga SK officials na pinagtibay para maging ganap na batas.
“As principal author and sponsor of Republic Act No. 11768, which was enacted on July 26, 2021, may I respectfully request that the Civil Service Commission issue the guidelines for the issuance of the “appropriate certificate of eligibility” which Sangguniang Kabataan (SK) officials, secretaries, and treasurers, are entitled to,” pahayag ni Salceda.
Sa sulat na ipinadala ni Salceda kay Chairperson Nograles binigyang-diin ng mambabatas na ang deadline ng Implementing Rules and Regulations ay nag lapsed na bago pa man nag -assume sa pwesto ang opisyal.
” I alongside the 420,000 SK officials in the country will be most grateful to have this landmark measure take full effect under your leadership,” wika ni Salceda sa sulat kay Nograles.
Ang batas napinagtibay nuong July 2021, ay nagbigay sa mga relevant agencies ng 90 araw upang ipahayag ang mga tuntunin at regulasyong kinakailangan para sa batas.
Ang IRR ay inilabas lamang noong Setyembre ng nakaraang taon, at ang mga alituntunin para sa pagiging karapat-dapat sa CSC ay hindi pa nailalabas.
Ang batas ay nagbibigay din ng karapatan sa SK Treasurers at Secretaries sa parehong benepisyo.
Ang parehong batas ay nagbigay ng honorarium sa mga opisyal ng SK bilang bahagi ng kanilang mga benepisyo.
Ipinunto ng ekonomistang mambabatas na marami pa ang dapat gawin ng gayon ang barangay system kabilang ang SK ay magiging mas functional bilang basic institution ng gobyerno.
“We are hopeful that Chair Nograles will heed the call of the SK Officials who wish to avail of this benefit they are entitled to by law. Hopefully, the guidelines can be issued before we swear in a new set of SK officials,” dagdag pa ni Salceda.