-- Advertisements --

Dismayado Albay 2nd District Rep. Joey Salceda sa Department of Tourism (DOT) sa hindi pagsama sa Mayon Volcano sa pinakahuling branding campaign ng ahensiya.

Sinabi ni Salceda na binigo ng ahensiya ang mga residente ng Albay na umaasa na kumita sa turismo.

Hindi naman napigilan ng ekonomistang mambabatas ang pagkainis at nag post ito ng mga pahayag ng pagka dismaya sa kaniyang social media account.

Hayagang sinabi ni Salceda na hindi niya nagustuhan ang naging desisyon ng kaibigan na si Tourism Secretary Christina Frasco, na alisin ang Mayon Volcano mula bagong branding campaign ng ahensiya.

Dagdag pa ng mambabatas na lalo siyang nadismaya matapos siyang sabihan na huwag mag-alala dahil ang Mayon ay represented sa huling logo na aniya ay hindi madaling makilala dahil ito ay isang pixel lamang at ang bulkan ay bahagi ng 50 pangunahing bulkan at mga bundok.

“I remain disappointed in my friend, Secretary Frasco, for the exclusion of Mayon Volcano in the new official tourism video of the Philippines. I am more disappointed in the response that I should not bring this issue up because, anyway, Mayon is included in the 50 major volcanoes and mountains represented (by a pixel!) in the official tourism logo and slogan,” pahayag ni Salceda.

Dagdag pa ng Kongresista, “I express this frustration because tourism is disproportionately more crucial in Albay, and Bicol at large. This is how thousands of Albayano families make a living. It would not have cost much to include just a scene of Mayon, but it would have meant the world to Albay families relying on tourism for their bread and butter.”

Ayon kay Salceda, malaki ang naitulong ng mga nakaraang promotional videos sa Albay partikular sa tourism, dahil na-feature doon ang Mayon Volcano.

Ipinagmalaki naman ng mambabatas na sa kanyang panunungkulan bilang gobernador ng Albay, lumaki ang tourist arrivals mula 123,000 noong 2006 hanggang 1.4 milyon noong 2015.

“We credit this partly to how we were proportionately featured in promotional material over the same period by the National Government. Mayon deserves better than a pixel in the logo where you need strained eyes to see it. Mayon has been a national symbol and a national treasure (one of only three UNESCO-declared biosphere reserves in the country),” dagdag pa ni Salceda.

Sa pagdiriwang ng ika-50th anniversary ng Philippine Tourism kahapon na pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr at inanunsiyo ang tagline “Love the Philippines” ang siyang bagong branding ng bansa.

Naglabas din ang DOT ng one minute and 45 second-video kung saan na highlight ang mga aktibidad na maaring gawin ng mga banyaga sa bansa.

Napansin naman na walang shots mula sa Mayon Volcano, at sa logo na iprinisinta ng DOT ang perfect cone ng bulkang Mayon ay hindi agad narecognized.

Giit ni Salceda na higit pa sana dito ang deserve ng Albay dahil mayruong international airport sa nasabing lugar at isa sa mga mahahalagang tourist destinations.

“We have the only international airport in South Luzon: Bicol International Airport, which this government calls ‘the most scenic international gateway in the country’. It would have helped improve the government’s value-for-money for BIA to promote Mayon and Albay,” pahayag ni Salceda.
Hinimok ni Salceda si Frasco na tanungin ang kaniyang mga predecessors sa DOT kung bakit palaging na pi feature ang Mayon sa promotional materials ng bansa.

Sa ngayon, hindi pa tumutugon si Frasco kaugnay sa naging pahayag ni Congressman Salceda.