-- Advertisements --

Magandang balita ang pagbaba ng inflation sa buwan ng Nobyembre kung saan pumalo ito sa 4.1 percent mula sa 4.9 percent nuong buwan ng Oktubre.

Ayon kay Albay 2nd district Rep. Joey Salceda , dapat pakatutukan ang presyo ng bigas dahil hanggang ngayon ay nananatiling mataas ang presyo nito.

Binigyang-diin ng ekonomistang mambabatas, karamihan sa food commodities ay bumaba sa single-digit inflation levels, pwera na lamang sa bigas na nanatili sa year-on-year level sa15.2 percent inflation.

“That means we can zero-in our efforts on this commodity, which accounts for as much as one-fifth of the budget of the poorest households. The global outlook remains dim in that commodity, with most projections suggesting that global prices will remain elevated by mid-2024 at the earliest,” wika ni Salceda.

Iminungkahi naman ni Salceda na mahalaga na magkaroon ng intervention para lumuwag ang inflation sa bigas ng tatlong beses.

Una dapat magkaroon ng market access sa mga imported na bigas.

Pangalawa, ang access sa domestic market ay dapat matiyak at stable.

Pangatlo, ipinunto ng Kongresita na dapat i-optimize ng gobyerno ang domestic supply upang makamit ang panibagong bumper stock ngayong taon.

Inaasahan rin ni Salceda na ngayong buwan ng Disyembre bababa ang inflation rate sa 3.7 hanggang 4.0 percent.

Hinulaan din ni Salceda na ang annual inflation rate sa bansa ay magtatapos sa 6.0 percent.

“The takeaway from the November report is this: Much of the overall price situation has already been managed. Now, it’s all about rice,”pahayag ni Salceda.