Siniguro ng Department of Education (DepEd) na matatanggap ng mga guro ang pangakong salary increase ng pamahalaan.
Ayon kay Education Usec. Nepomuceno Malaluan, pinagusapan na ng cabinet members ang planong dagdag sahod sa mga guro at tiniyak ang pagtupad dito.
Sa ngayon, inaantay lang daw nila ang petsa kung kailan ipapatupad at kung magkano ang halaga ng increase dahil si Pangulong Duterte pa umano ang maga-anunsyo nito.
Naglalaro sa P20,754 kada buwan ang rate ng isang entry-level na public school teacher ngayon.
Bukod dito, may P2,000 din na Personnel Economic Relief Allowance na natatanggap ang mga guro.
Sa kabila nito, patuloy ang panawagan ng mga public school teacher sa salary hike kasunod ng pag-apruba ng Kongreso dagdag sahod ng militar at iba pang uniformed personnel.