Iginiit ni Villar na sa pamamagitan ng mas mataas na pasahod para sa mga nurses ay mas mahihikayat ang mga mag-aaral na pumasok sa naturang propesyon.

Ginawa ng senadora ang naturang pahayag matapos na katigan ng Korte Suprema ang validity ng isang legal provission na nagtatakda ng basic pay ng mga nurses sa pampublikong sektor sa Salary Grade 15 o nasa P30,000 kada buwan.

Sa isang panayam, sinabi ni Villar na nakakalungkot na mayroong “shortage” ng mga nurses sa bansa.

Kaya para aniya masolosyunan ang problemang ito, sinabi ng senadora na dapat hikayatin ng gobyerno ang mga kabataan na kumuha ng kursong nursing.

Pero maari lamang aniya itong mangyari kung matitiyak din sa mga mag-aaral na makakatanggap sila ng sapat na sahod sa naturang propesyon.