-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagsilikas ang mga sibilyan nang magka-engkwentro ang dalawang armadong grupo sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Midsayap chief of police Lt. Col. Rolly Oranza na nagkasagupa ang dalawang armadong pamilya sa bahagi ng Barangay Olandang, Midsayap, Cotabato sa gilid ng provincial road.

Dahil sa tindi ng putukan ay stranded ang mga commuters at pansamantalang isinara ng mga otoridad ang kalsada para matiyak ang seguridad ng taumbayan.

Agad na nagresponde ang tropa ng 34th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lt. Col. Rey Rico kasama ang mga tauhan ng Midsayap MPS.

Makalipas ang halos isang oras ay humupa ang engkwentro nang umatras ang mga armadong grupo at pinadaan na ang mga byahero.

Sinabi ng mga residente sa lugar na dalawa umano ang nasawi at apat ang nasugatan sa barilan ng magkaaway na grupo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap MPS sa naturang pangyayari.