-- Advertisements --

Tuloy na ang preliminary conference ng Comelec sa disqualification case laban kay dating Sen. Bongbong Marcos.

Nakatakda itong isagawa sa Enero 7, 2022 ng Comelec First Division.

Ayon kay Comm. Rowena Guanzon, iisyuhan na nila ng summon si Marcos kaugnay sa pending disqualification cases sa kanilang tanggapan.

Samantala, inihabol naman ng grupo ng petitioner na si Atty. Ted Te ang memorandum o final response sa Comelec 2nd Division para sa iba pang kaso ng presidential aspirant.

Pero naninindigan ang kampo ng dating senador na dapat ibasura ang ang mga reklamo dahil sa kawalan ng sapat na basehan.

Target ng komisyon na matapos ang paghimay sa kaso bago pa man ang simula ng campaign period.