-- Advertisements --
dfa

Maaari nang magbukas anumang oras ang humanitarian corridor na magpapahintulot sa mga Pilipino na makaalis sa Gaza at makapasok sa Egypt.

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na ang mga opisyal ng Israel ay nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Egypt para buksan ang Rafah border crossing na tanging tawiran para sa mga taong mula sa Palestine na gustong lumikas mula sa Gaza.

Parehong nag-aalala ang Israel at Egypt na ang pagbubukas ng hangganan ay magpapahintulot sa mga miyembro ng militanteng grupong Hamas na makatakas sa Gaza at makapasok sa Egypt.

Ayon kay Arnell Ignacio, administrator ng Overseas Workers Welfare Administration, nasa 131 Filipino ang kasalukuyang nasa Gaza Strip, na pawang mga residente doon at hindi mga overseas workers.

Sa bilang na ito, 78 ay nasa Rafah border crossing, 30 ay nasa timog na bahagi pa rin ng Gaza at ang natitira ay nakaalis o nakalikas na.

Una nang kinumpirma ng mga awtoridad na mayroong hindi bababa sa tatlong mga Pilipino na hindi nawawala sa Gaza.

Ngunit batay sa pagsubaybay ng OWWA at ng DFA, wala sa kanila ang kumpirmadong na-hostage ng militant group Hamas.