CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang Sabungero sa pamamaril sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Danny Corneja Perez,43 anyos, may asawa at residente ng Purok Ilang-ilang Brgy Poblacion Tacurong City.

Ayon sa ulat ng pulisya galing sa sabungan ang biktima sa Brgy Poblacion President Quirino Sultan Kudarat at angkas ng motorsiklo ng kanyang kaibingan kung saan papauwi na ito sa Tacurong City.

Ngunit pagsapit nila sa Purok Luyan Barangay Kalanawe ll President Quirino Sultan Kudarat ay doon na ito pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nahulog sa kanyang sinakyang motorsiklo ang biktima at on the spot na binawian ng buhay habang nakaligtas ang driver ng motorsiklo.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at likod ang biktima kaya binawian ito ng buhay.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.