-- Advertisements --
Inilabas na ng Quiapo Church ang ruta para sa procession na Itim na Nazareno sa Enero 9.
Ayon sa Black Nazarene organizer na gagamitin pa rin nila ang ruta na ipinatupad noong 2020.
Magsisimulang iparada ang 400-taon na imahe ng Itim na Nazareno sa Quirino GrandStand at magtatapos sa Plaza Miranda papasok na ng Simbahan ng Quiapo.
Ang nasabing Traslacion ay dinadaluhan ng ilang milyong deboto kung saan ito ay natigil ng halos tatlong taon dahil sa COVID-19.
Sinabi ni Quiapo Church spokesperson Father Hans Magdurulang na ilan sa mga plano nila ay ilagay sa salamin na lagayan ang imahe ng Itim na Nazareno para ito ay maprotektahan.